“Stepping Further with Our Path From the Past to Our Future”
12:14 AM Edit This 0 Comments » Malapit na matapos ang unang semester ko bilang isang college student. Ang bilis nga naman ng panahon. Parang nung isang lingo lang nagsimula yung klase ah...
Naalala ko pa nung araw ng graduation ko bilang high school student nung March. Late ako ng 30 minutes kung di ako nagkakamali, pero atleast umabot pa din ako sa marching. Laki talaga ng advantage kapag honor student ka at isa ka sa mga huling lalakad. Hahaha. Naalala ko nung araw na yun, mangiyakngiyak pa ang CSG president naming si Pauline habang nagbibigay ng Valedictory Speech. Naalala ko din kung paano namin siya pagtripan tuwing bababa siya ng stage nung practice days. Si Lhen at Jethro ang pasimuno! Hahaha… Naalala ko din nung napagalitan ako ni Sr. Rose, ang ingay at ang likot ko daw kasi, parang di daw honor student at parang di daw CAT Officer. Palibhasa ako lang ang napapansin… Sila Danielle at Toby din kaya. Swerte lang si Christian di sya nasisita, tulog kasi tuwing practice . Naalala ko din ang Corps. Commander naming si Danessa na ang hirap hanapin nung bago kami maglast salute kay Sir Anton, ang aming butihing commandant. Naalala ko din kung pano nalaglag yung sombrero ko nung kumakanta kami ng batch song, nasa harapan pa naman ako… hahaha… dakilang scene maker talaga ako…
Nung bakasyon naman, nagbonggang bakasyan ako… Trip to Baguio, trip to La Union, swimming dito, swimming duon, lakwatsa dito, lakwatsa duon… Inuumaga na parati sa tapat ng Computer… akala mo walang pinoproblema haha… sabagay mostly naman dun wala akong binabayaran^_^
May 25, 2011, nag-exam ako sa CvSU dahil sa udyok ng kamag-anak. Antagal kasi ng resulta nung sa UP Manila. E tinatamad din naman akong asikasuhin yung scholarship ko sa LCC-Mendiola. Nauta na din kasi ako sa LaCo
May 31, 2011, Nag-exam naman ako sa UE. Libre lang naman daw kasi Caloocan Citizen kaya gumora lang ako. Supposed to be Scholarship sana ulit yun kaya lang late na ako for that kaya ayun kung gusto ko daw after 1st sem tsaka ako mag-avail ng TYK Scholarship. So that means, I need to pay 36K for my 1st sem… tatlong sem ko na yun sa CvSu no!
June 6, bumalik akong CvSU para kunin ang resulta ng exam at magpa-medical . June 8 na ata ako nakapag-enroll mismo… dami din kasing proseso… Ayun, so sa CvSU ako bumagsak with 1 main reason… Financial Problem… pero di naman ako nagsisising dun ako bumagsak… Medyo nanghinayang lang sa mga panahon at pagkakataong nasayang.
Naalala ko pa yung 1st day ko sa CvSu bilang Accountancy student, lakad dito lakad duon. Inaantay ko kasing humupa yung dami ng tao sa CAS. Di naman pala huhupa yun. Si Maricor una kong nakilla nun. Siya kasi unang kumausap sakin. Tipong Silent mode pa ko nung 1st day... naimagine niyo ba yun? Parang kaduda-duda… hahaha… hinayaan kasi ako ni ate Cj nun na ayusin ang sched ko mag-isa… wala kasi silang pasok ng lunes… Sabagay it’s a good thing… I get to know some friends. Tapos dahil wala kaming sched dun sa Bulletin Board ng CAS pumunta akong SC Office nila and then I talked to their President Kuya Robbie. Luckily we knew each other already kaya easy access na… Nauna ko pang makilala ang mga tao sa CAS kahit na taga CEMDS talaga ako… hahaha… how ironic… Anyway, pumunta kami nun ng PhySci Building to check where would our first class be held at ayun, dun lang nila nalamang nageexist pala ang section namin,,, o diba bongga… tinanggap kami ng school admin tapos di nila ininform ang bawat colleges na we EXIST! Kaloka…
Tapos nakita ko na yung iba naming classmates nung management. Dun ko na din nakilala si Oli dahil sa utos ni ate Cj na iabot ko daw yung Reg form ni ate Jec sa kapatid niya which is si Oli. After nung Subject na yun nagpunta kaming CEIT at dun ko na nakilala sila Kuya Jayson na taga Las Piñas at si Kuya JD together with Kuya Ralph… Umuwi ako nun ng tanghali tapos bumalik din ako nung hapon. Pagbalik ko dun ko naman nakilala sila Ate Cath, Elaine, Aj, at Ria. Tapos the next day nung Filipino na, dun ko na sila lahat nakilala except na lang siguro sa mga late pumasok, which is sina Mark Ferrera, Tantan, ate Aimee, Bagsik, Christine, Coco, at Ate Darlene, may nakalimutan pa ba ako? Anyway, sa pagkakatanda ko nung Tuesday, June 14, nakapaggala kaagad akong Mendez kasama sina Elaine, Maricor, Oli, Kuya Emil, Kuya JD, Si ate Cath na wala ng ibang bukambibig that time kundi ang hotdog ni Aljur na natikman na daw ni Eunice na malansa daw, Si kuya Jayson na di ko pa alam na 22 na pala at si AJ ang may-ari ng bahay na pinuntahan namin that time. Late pa nga kami kay Ma’am Jas nung bumalik kami ng school that eh.
Tapos ayun nung magc-CEMDS week na, which was actually 2 days lang, e nagkaroon kami ng botohan for officers. Nangunchaba na ako na iboto akong Vice President. Eh nagbibiro lang naman ako. Eh kaso nanominate na at nanalo na ako, may magagawa pa ba? Ahhaha. Naalala ko pa yung booth naming Fried Noodles, yung hapdi nung Sili sa mukha at kamay dahil ako ang nagprito nung sili for chili sauce, yung panlilibre sakin kaya nakasurvive ako ng CEMDS week na wala masyadong nagagastos, yung hand theraphy na tinuro ni kuya Ralph, yung paggawa ng eksaktong income statement at yung essay contest na tinulugan ko habang nagsusulat ako hahaha…at siyempre yung suggestiong ZIP Line at bungee jumping booth na napagplanuhan sa Bangcod matapos kumain…hahaha…
Naalala ko din yung mga ikot Indang mode ko kasama si Boy tinapay(Oli), Kuya Emil at Kuya JD. Pati yung pag-uwi ng basang-basa sa ulan dahil sira ang payong o kaya wala akong dalang payong… hahaha… pati yung pagccharge ko sa CEIT tuwing bago mag ITEC Lab… hahaha…
Lumipas ang mga araw ng sobrang bilis… yung mga Mall-ing days… yung pasyal sa tagaytay kasama ang tropa… yung pagppractice ng CvSU Hymn sa bahay nila Oli… yung play ni Kuya JD… yung dance presentation nila Kuya Ralph… yung araw-araw na pagpupuyat dahil sa ibat-ibang bagay… yung pagtambay sa Heavenly… yung mga di man lang pumasang Quizzes… super dami ko din palang bumagsak na Quiz… mostly sa management hahaha… Yung mga bonggang tanong na puro ako ang napupuntirya tuwing Hot Seat at spin the bottle… At higit sa lahat ang PRESSURE ng 2.25 na QUALIFYING GRADE NG ACCOUNTANCY STUDENT.
Ano kayang mangyayari next sem? Magssurvive kaya ako? Hirap din kasing maging kampante… Sabagay mula pa noon, ang bawat bukas ay walang kasiguraduhan… idaan na lang natin sa mataimtim na dasalan… hahaha… sana after this sem masabi kong I SURVIVE 1st YEAR-1st SEM ACCOUNTANCY STUDENT… at syempre I’ll do my best to achieve that… kaya erase procrastinations in our minds and start stepping further on our pathway… Kung kinaya nila… kaya ko din… kaya din natin… Just don’t lose hope^-^