Takot nga ba ang tao magkaroon ng commitment/relationship?
12:09 AM Edit This 1 Comment »Takot nga ba ang tao magkaroon ng commitment/relationship?
Siguro naman alam nating lahat na ang bawat tao sa mundo gusto magkaroon ng commitment. Pinangarap ng bawat babaeng makilala si Mr. Right at pinangarap ng bawat lalaki na matagpuan ang babaeng para sa kanila. Alam kong din naman lahat ng kabataang tulad ko ang may boyfriend o girlfriend pero alam ko ding sumagi na sa isip nila minsan or kahit isang beses lang ang magkaroon nun. Ngunit bakit nga ba hindi lahat ay may kapareha kung gayong gusto naman nila?
Dahil sa epekto ng ating kapaligiran(TV shows, mga kaibigan, experience, at kung anu-ano pang nakakaapekto sa atin), alam na natin na sa bawat oras na tayo’y magmamahal ng isang taong di natin alam kung anong nararamdaman para sa atin ay malaki ang posibilidad na tayo rin ay masaktan. Di yun lingid sa kaalaman ng bawat isa sa atin , kaya sumagi sa isip ko na baka takot lang tayo masaktan kaya takot tayong magkaroon ng commitment. Yun din kasi ang madalas na dahilan ng bawat taong minsan ko nang nakakwentuhan. Pero di nga bat ikaw lang din sa sarili mo ang takot kaya mo nasabi yun?
Ako, aminado, oo, takot din ako. Sino ba naming hindi diba? Pero naisip ko lang din na kasama na sa buhay ang masaktan. Kaliangan mo na nga lang laging maging handa, kasi hindi ka sigurado kung kelan darating yun. Parang ganito lang yan eh… Sa pag-aaral magbisikleta, hindi madali ang bawat proseso. Kailangan mong matutong bumalanse, pumidal at higit sa lahat kailangan mong mag-ingat nang hindi ka sumemplang. Sa simula, malaki ang posibilidad na sumemplang ka, malaglag sa bisikleta at masugatan. Pero dahil sa kagustuhan mong matuto kahit gaano pa kahapdi ang matamo mong sugat, handa kang tiisin yon lahat. Pero bago matapos ang bawat araw ng iyong pagkatuto, maiisip mong nararapat mo ring gamutin ang sugat na iyong natamo. Siyempre alam kong masakit yang sugat lalo na’t sariwa pa. Pero tandaan mong hindi maiibsan ang sakit niyan kung hindi mo gagamutin. At sa paglipas naman ng mga araw ng iyong pagkatuto, ang noo’y sariwa mong sugat ay ngayo’y peklat na lang, markang magpapaalala sayo na kailangan mo lang maging maingat para di ka na masugatan muli at kung saka-sakaling di sinasadyang masugatan kang muli, kailangan mo lang maging matapang para gamutin muli iyon.
So siguro sa tingin ko, hindi naman literal na takot ang tao sa commitment o relationship, kasi kahit papano alam na nating may posibilidad talaga na tayo’y masaktan. Hindi lang talaga tayo ganun kahandang harapin ang consequence ng pagkakaroon ng relationship. Kaya para sa akin hindi takot ang tao magkaroon ng commitment, sadyang hindi lang tayo handa sa mga kakaharapin nating kaakibat nito.
1 comments:
Halatang kulang sa tulog si ate mo gurl
Post a Comment